Friday, August 5, 2011

337: Pinky magpapakasal na kay Edu?

Pilipino Star Ngayon
Pinky magpapakasal na kay Edu?

Nagpaalam na pala sa radio show nila ni Ted Failon si Pinky Webb kahapon. Ang sabi raw ni Pinky ayon sa mga nakarinig : “Ako ay magbabakasyon at pansamantala pong magpapaalam sa radyo. Sa lahat ng tumangkilik sa amin sa Tambalang Failon at Webb maraming, maraming salamat po sa inyong lahat,” sabi ni Webb na alam ng lahat na girlfriend ni Edu Manzano.

Si Pinky ang pumalit kay Ms. Korina Sanchez nang magbitiw ito sa programa nang tumakbo noong bise presidente ang kanyang asawang si Sec. Mar Roxas.

Mahigit isang taon din yata ang itinagal ni Pinky sa programa na ayon sa kanya ay marami siyang natutunan sa nasabing panahon.

Bakasyon daw muna siya at hindi lilipat sa ibang channel.

“Ikaw naman, puro ka joke. Hindi. Dito pa rin ako siyempre sa ABS,” sabi naman ni Pinky nang tanungin siya ni Ted na baka naman lumipat na rin siya“Ibang schedule na pagbalik ko. Pagbakasyon ko, pagbalik ko, mag-iiba na rin ang schedule ko. So abangan n’yo na lang ako. Hindi po ako mawawala dito sa ABS-CBN pero sa radyo, pansamantalang mawawala muna ako,” sagot niya.

Sa pagbabakasyon ni Pinky, nag-iisip ang mga malisyosa at malisyoso, baka naman daw magpapakasal na si Pinky kay Edu na matagal na niyang karelasyon.

Baka raw ang sinasabi niyang pagbabago ay ang pagbabago ng kanyang apelyido?

Hahaha. Maging literal. Hindi rin natin alam.

Never silang umamin pero maraming nagsasabi na sila naman talaga at si Pinky lang ang mailap umamin tungkol dito dahil nga nasa News and Current Affairs siya. In fact nabalita pa nga kasal na sila noon pa.

source

No comments:

Post a Comment