Saturday, August 13, 2011

339: Pinky babalik na lang sa pagri-reporter

Babalik na lang pala sa pagka-reporter si Pinky Webb. Ito pala ang rason kaya niya nilayasan si Ted Failon sa programa nilang Tambalang Webb at Failon sa DZMM.

Ayon sa kuwento ng mga insider ng ABS-CBN, nagpaalam daw si Pinky na bumalik na lang sa pagri-reporter dahil pagod na siyang gumising ng maaga.

Kasi pala, gumigising si Pinky ng 3:00 a.m. for six years now. So parang napagod na raw ito kaya nagsabi sa management kung puwedeng bumalik na lang siya sa pagiging reporter. Pero hindi naman daw nito iiwan ang pagho-host ng XXX.

Sa pag-alis ni Pinky magso-solo na raw si Ted sa ere. Hindi na raw ito bibigyan ng katambal dahil babalik na rin sa ere si Ms. Korina Sanchez sa kanyang sarili ring programa.

So mauuna raw si Kabayang Noli de Castro, susundan ni Ted at saka papasok si Ms. Korina ayon sa isang spy.

Pero ang say naman ng iba, baka rin naman daw gustong magkaroon ng normal na oras ni Pinky para sa kanyang BF na si Edu Manzano na isang cerfitied Kapatid na.

No comments:

Post a Comment