Balik teleserye ngayon si Sen. Freddie Webb after ng mahigit na 15 years na nakakulong ang kanyang anak na si Hubert. Apat na araw na siyang nakakapag-taping ng ‘Babaeng Hampaslupa’ ng TV5 na magsisimula sa February 7.
“Pag natapos kami ng alas-kuwatro. Sira na ang araw mo sa susunod. The next day taping na naman,” sey niya. Ano ang role niya sa ‘Babaeng Hampaslupa’?
“Ako ‘yung head ng Wong Family. Gagampanan ko ang karakter ni George Wong,” aniya. Kaaway raw niya sa serye si Susan Roces. Panoorin na lang daw kung ano ang punot-dulo ng pagakakinitan nila na magsisimula sa February 7. Tinanong din si Senator Webb kung payag siya na isadula ng ‘ Star Confessions’ ng TV 5 na si ‘Nay Cristy Fermin ang host?
“ Basta sinabi ni nanay Cristy.Hahaha,” mabilis niyang sagot.
Inamin ni Senator Webb na dalawa na kumakausap sa kanya na isapelikula ito. Pero mas gusto niya na isalibro ang buhay nila kesa isapelikula raw ito.
Tinanong din si Senator Webb at ang kanyang anak na si Fritz kung ano ang real score ngayon kina Edu Manzano at Pinky Webb.
Friends na lang daw ang dalawa at talagang break na.
Klinaro din niya ang isyung may kinalaman si Kris Aquino kaya in-open ni P-Noy ang kaso ng Vizconde Massacre.
“Dahil ba schoolmates sila ni Pinky? Hindi sila close friends. If you recall, sa pelikulang ‘Vizconde Massacre, si Kris pa nga ang gumanap na Carmela,” tugon niya.
Tinanong din kung galit siya kay Direk Carlo Caparas sa paggawa ng pelikulang Vizconde Massacre?
“Wala. Pag pinanood mo, he never pinpointed na si Hubert ang gumawa nun. Tinuro niya construction worker kaya nga gusto niyang gawin ulit ‘yung movie. Since the start, he does not believe na may kasalanan si Hubert. Maramisiyang sinasabi sa akin na stories na sa tingin niya ay gumawa sa Vizconde Massacre,” pahayag pa ni Senator Webb.
source
No comments:
Post a Comment