Sunday, January 23, 2011

177: Pinky Webb, Sinagot na ang Balitang Nagpakasal na sila ni Edu Manzano (from Kapamilya Anchors and Reporters Online)

 
Updated post from Kapamilya Anchors post, "Pinky Webb won't keep own wedding secret via ABSCBN News.com."

Pinutol na ng magandang newscaster na si Pinky Webb ang kanyang pananahimik tungkol sa usap-usapang nagpakasal na sila ng kanyang aktor na boyfriend na si Edu Manzano sa abroad matapos sila nagkabalikan.
Sa panayam sa kanyang ni Kabayan Noli de Castro sa isang radio program ng DZMM, sinagot nito na wala raw katotohanan ang napapaulat na sikretong pagpapakasal nila ni Manzano.

Puwede ba naman 'yon na wala kayo kung ikakasal ako? Hindi puwede ‘yon. Siguradong nandoon kayo," sagot ni Pinky sa mga kasamahang sina Kabayan at Ted

"Walang katotohanan, walang walang katotohanan 'yon… Kung ikakasal ako bakit ko naman itatago 'yon?"dagdag pa niya.

Hindi rin itatago nina Pinky at Edu kung sakali man matuloy ang pinaplano nilang pagpapakasal.

Kamakailan din ay nakapanayam ng ABSCBN News.com kay Manzano ay ito rin ay tinanggi rin ang ulat tungkol sa kanilang sikretong pagpapakasal nila.

from Kapamilya Anchors and Reporters Online

Blog original posted by KSY of Kapamilya Anchors and Reporters Online

Posted by: Beverly of Karo

No comments:

Post a Comment