Monday, March 7, 2011

216: XXX Probes Case on Cellphone Cloning


Hindi lubos maisip ng isang gobernador sa Bulacan kung paanong nagamit ang kanyang numero sa pagpapadala ng isang text message na hinri raw niya ipinadala.
Isang mensahe kasi ang natanggap ng mayor ng Plaridel, Bulacan galing
sa gobernador na nagsasabing “Mayor tumawag sa akin si Executive
Secretary Ocho at may hinihiling. May tao daw ang PDEA dyan na ginamit sa Plaridel.”
“Nakakulong daw dyan sa inyo. Ang pangalan Francis Plamenco Patawi
III. Ang umaresto daw ay si Jaime Manny. Pakitawag mo ang hepe at ikaw na bahala. Tatawag sana ako pero may kaharap akong taga-media. Bukas na natin pag-usapan,” sabi pa sa text message.
Ayon sa isang IT expert, isang kaso ng ‘celphone cloning’ ang kaso.
Bagamat kinumpirma ng celphone network provider na hindi nagreflect sa kanilang record ang text message na tinutukoy, itinatanggi nila na may nangyaring cloning.
Tunghayan ang buong kuwento sa “XXX,” kasama sina Anthony Taberna, Pinky Webb, at Julius Babao, ngayong Lunes (Mar 7) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.

source

No comments:

Post a Comment