Tuesday, January 4, 2011

166: News: Luis, walang alam sa planong kasal nina Edu at Pinky!


Wala raw nababanggit kay Luis Manzano ang tatay niyang si Edu Manzano na magpapakasal na ito kay Pinky Webb.

Takang-taka nga si Luis sa tsismis na ikakasal na raw ang dalawa.

Sabi nga ni Luis, kung may gagawing ganung hakbang ang tatay niya, siya ang isa sa mga unang kakausapin. Pero, ‘yun na nga, wala naman daw nababanggit sa kanya ang tatay niya.

Anyway, kung totoo man daw na gusto na ring pakasal nina Edu at Pinky, hindi na raw kailangan pang kunin ang kanyang permiso. Unang-una, kitang-kita naman daw niya na masaya ang daddy niya sa piling ni Pinky.

Sabi ni Luis, aprub na aprub sa kanya si Pinky para sa daddy niya. Bukod sa matagal na raw niyang kilala si Pinky, bilib daw siya sa talino at ugali nito.

Alam din daw ni Luis na aalagaan ni Pinky ang daddy niya hanggang sa pagtanda.

Anyway, kung sakaling mauwi na nga sa kasalan sina Edu at Pinky, pinuproblema na lang ni Luis ay kung ano ang itatawag niya kay Pinky. Aya­w raw kasing patawag ng tita ni Pinky sa kanya. At mas awkward naman daw kung mommy o mama ang itatawag niya kay Pinky. Eh, mas pangit naman daw kung Pinky lang ang itatawag niya rito.

Anyway, saka na lang daw iisipin ni Luis ang tungkol doon. Ang importante raw sa kanya ay super-happy ang daddy niya.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang magandang takbo ng career ni Luis. Nandiyan pa rin ang mga shows niyang ASAP XV at E-Live. Malapit na ring simulan ang second season ng Pilipinas Got Talent na silang dalawa ni Billy Crawford ang host, at siyempre ang LOL nila ni Alodia Gosiengfiao.

At siyempre, nandiyan din ang movie nila ni Anne Curtis na Who’s That Girl ng Viva Films, na dinirek ni Wenn Deramas.

source

No comments:

Post a Comment